Monday, December 22, 2008

TABBY

Ang bunso ng pamilya...si Tabby.
Siya'y inampon namin nung mga bandang July.
Naalala ko pa nung gabing yun...lahat kaming magkakapatid (Ako, si Jun, si Roan at ang pinsan naming si Girly) ay nasa labas ng bahay. Nag-aantay sa isa pa naming kapatid na ni si Siera...
Nasa kanya kasi ang susi...para tuloy kaming mga kawawa sa labas, nakasimangot at nayayamot nang nag-aantay.

Nang mga sandaling iyon...bigla akong may narining na umiiyak...
Blogger: Jun, narinig mo yun? Ano yun?
Jun: Wala...baka may naglalaro lang.
Roan: Bakit? Ano ba yun?
Blogger: Ewan ko ba...parang may umiiyak na bata...
Girly: (tahimik lang)
Jun: Wala...anyakamet...nag-i-imagine ka na naman.

Maya-maya'y umakyat mula sa ibabang palapag ang magkapatid na si Dan at Tyrone. May hawak hawak silang handbag. Iwinawasiwas ni Dan ang hand bag na parang salagubang sa ere. At dahil sa mejo maliit si Dan, nawala siya sa balanse at napaupo siya sa semento. Kasabay nito'y nahagis ang hand bag sa may paanan ko...

Muli kong narinig ang parang umiiyak na bata...

Blogger: O, Dan...ano toh? (Sabay nudge sa handbag gamit ang toe ko - kumaluskos ang bag...)

Napatalon ako sa gulat...akala ko'y daga...haler, kadiri kaya ang makagat ng house rat noh...eeeew!
Ngunit nang makita na talaga namin ang nasa loob...


At hayun na nga...duon na nagsimula ang talambuhay ng aming kuting na si Tabby. Bininyagan namin siyang tabby dahil napulot namin siya sa tabi-tabi. 

Si Tabby...ang bunso ng aming pamilya.
Subalit nitong Nobyembre... ang minsang ihatid niya si Roan sa may sakayan ng jip (para kasi siyang aso... naghahatid pag may umaalis sa amin sa bahay...)
Hindi na siya muli pang nagbalik sa aming tahanan...
Hay...san ka na kaya, Tabby?

1 comments:

Randy Santiago said...

Ang cute ng pangyayaring ito. Sayang wala na si Tabby!

Entertain Yourself